Sabado Octobre 20, 2012:


Internasyonal na Araw ng Pagkilos Para sa Trans Depathologization 


Mabuhay at tuloy po kayo sa website ng STRAP (Society of Transsexual Women of the Philippines). Ang STP 2012Stop Trans Pathologization Campaign ay isang kampanya para sa depathologization ng mga pagkakakilanlang trans (trans identities). Ang pangunahing layunin ng kampanya ay ang pagtanggal ng kategoryang “gender dysphoria” / “gender identity disorders” sa mga diagnosis manuals (DSM ng American Psychiatric Association at ICD ng World Health Organization) na ang mga bagong bersyon ay ilalabas sa 2013 at 2015. Isa din sa mga layunin ng kampanya ang ipaglaban ang karapatan sa kalusugan ng mga transgender/transekswal. Para bigyang daan ang pagkakaroon ng kaukulang health care na tutugon sa mga partikular na pangangailangan ng mga transgender/transekswal, ang STP 2012 ay nagmumungkahi ng pagsasama ng isang non-pathologizing mention sa ICD-11.


Ang website na ito ay naglalayong ipakita ang mga layunin, manipesto at mga pagkilos ng kampanya, pati na rin ang listahan ng mga organisasyon at taong sumusuporta sa STP 2012.



Buhat nung taong 2007, tuwing buwan ng Oktubre, ang STP 2012 Campaign ay nagtatawag ng Internasyonal na Araw ng Pagkilos Para sa Trans Depathologization na may mga sabay-sabay na pagkilos sa iba’t ibang mga lungsod sa buong mundo. Noong Oktubre 2011, ang iba’t ibang aktibistang organisasyon mula sa 70 lungsod sa Asya, Europa, Latinong Amerika, Hilagang Amerika at Oceania ay nagdaos ng mga demonstrasyon at iba pang mga pagkilos na alinsunod sa mga panawagan ng STP 2012 Campaign. Sa kasalukuyan (June 2012), ang kampanya ay sinusuportahan ng mahigit 310 na organisasyon at networks mula sa iba’t ibang sulok ng mundo. 



Bukod sa taunang panawagan ng pagkilos tuwing Oktubre, buong taon ang STP 2012 ay nagpapalabas ng impormasyon, nagpapalawak ng networking at nagpapatupad ng mga panawagan para sa trans depathologization.



Ang STRAP ay makikibahagi sa gaganaping Internasyonal na Araw na Pagkilos Para sa Trans Depathologization.



Patuloy ang laban!




No comments:

Post a Comment